Wednesday, May 2, 2012

Trip to Pinsal Falls in Sta. Maria, Ilocos Sur

I was about to start my 1st blog here kaya lang bigla nawalan ng kuryente yesterday!
Baguhan pa lng ako sa blogging kaya pasensya na po muna! hehehe

Okay, start na!

April 28, we left our house around 10 pm friday and we arrived in Sta. Maria, Ilocos Sur past 9am the next day! The reason we visited my Mom's hometown was to attend my niece's wedding in Sta. Maria Church! After the wedding ceremony, the reception! Mabuti na lang at malapit yun reception venue sa PINSAL FALLS! Pag new ka sa place parang napakalayo ng pinipuntahan mo.. After we ate our food, GO TO PINSAL FALLS NA!!!! I was so excited!

After about 10 minutes we arrived at Pinsal Falls located in Barangay Babal-lasioan, Sta. Maria, Ilocos Sur. Hindi naman mahirap puntahan kasi cemented ang kalsada makitid nga lang, pero okay na iyon kesa lubak na lubak na daan. Mga 20 minutes lang from the Sta. Maria Church. :)


 During summer almost dry ang river at kaunti lng ang tubig sa falls. Kahit konti lang ang tubig madami pa din naliligo sa ibaba ng falls. 


Going near the falls wasn't hard trekking kasi cemented na din. Pwedeng-pwede mag hike na naka slippers lang! :)



Me and my cousin Bi climbed the man-made stairs. Sabi 85 ft. high daw yan! No one can stopped me from climbing. I really wanna know what's on top of the falls!


So, what's on top of the falls? lots of mini falls and mini pools AND mga pangalan ng tao, empty plastic bottles and some trashes!  PLEASE, people respect mother nature!

 


Hindi na kami masyado lumayo ng pinsan ko. Hindi ko na pinuntahan yun footprint daw ni Giant Angalo at yung hotspring. Masaya na ako sa naakyat ko at na-experience. 



Nilisan ko ang Pinsal falls na magkahalong saya at lungkot! Saya at napagmasdan ko ang ganda ng kalikasan na biyaya sa atin ng Diyos, lungkot sa puso dahil sa unti-unti na syang napapabayaan ng mga tao.  Nasaan ang mga namumuno dito sa sumasakop ng Pinsal falls? Alam ko may ginagawa silang maganda para dito! sementado ang mga daan kahit ang dalawang daanan papanik ng falls. May bakal pang hawakan. It is a tourist destination dito din nag shooting si FPJ noon! Sana lang ang mga taong dumarayo dito matutong wag mag-iwan ng kanilang bakas.. respeto lang!

-dhey :)

No comments:

Post a Comment